“Matagal ka pa ba diyan Marco?”
“Saglit na lang ‘to. Minsan lang to mangyayari kaya dapat gwapo
ako.”“Ikaw pa ngayon nagpapahintay sakin. Lagi ka namang
gwapo.”“Patience, Anthony. Syempre dapat gwapo ako for you.”
Nilapitan ako ni Anthony at niyakap. “Ok na nga. Tayo na, naghihintay na sila sa labas.”
Five years ago…
“May ginagawa ka?” Tumawag sakin si Anthony. Mukhang may problema na naman ‘tong lokong ‘to.“Saan?”“Dun sa dati.”
High school pa lang, magkaibigan na kami ni Anthony. Classmates kami
simula first year. Dati ay marami kami sa barkada pero mula ng pareho
kami ng pinasukang school sa college, mas naging close kami. Ngayon
ngang second year college students na kami, lalo pa tumibay at mas
lumalim pagsasamahan namin. Usually pag tumatawag yan sa disoras ng gabi
at gusto makipagkita, may problema yan. Sanay na kong bigla na lang
siyang tatawag at mapipilitan naman akong iwan kung anuman ang ginagawa
ko at puntahan siya.
“Ano problema?” Pagdating ko sa lugar kung saan kami madalas magkita,
nandun na si Anthony, nakasandal sa puno.“Nakipagbreak siya sa akin,”
mahinang tugon ni Anthony.“Sino?”“Sino pa ba? Para namang ang dami kong
girlfriend. Marco naman eh. Inaasar mo pa ko,” mangiyak-ngiyak na sagot
ni Anthony.Inakbayan ko siya at tinapik ang balikat niya. “Ito naman,
pinapatawa lang kita. Ikukwento mo ba?”“Masyado daw akong maloko. Parang
hindi ko daw kaya magbago para sa kanya. Feeling niya hindi ako
nag-aaral ng mabuti at walang plano sa buhay.”“Pinaliwanag mo ba side
mo?”“Para saan pa? Eh ayun na ang tingin niya sa akin. Ang nakakainis
lang, nakilala na niya akong ganito tapos ngayon bigla siyang
magrereklamo.”“Pano yan? Hindi ka na makikipagbalikan?”“Alam mo namang
hindi ako nakikipagbalikan kapag alam kong wala naman akong ginagawang
masama.”Hindi na ko sumagot pa at tumabi na lamang sa kanya. Humiga siya
sa balikat ko at nagsalita ng marahan. “Mukhang ikaw na naman ang
mag-aalaga at magtitiyaga sa ‘kin. Unless hanapan mo agda ako ng bagong
girlfriend.” Medyo ngumiti siya habang nagsasalita.“May choice pa ba
ko?”“Eh kung tayo na lang kaya?” Tumayo si Anthony mula sa pagkakahiga
niya sa balikat ko at humarap sa akin.“Gago ka, sinabi nang wag kang
magloloko ng ganyan eh. Papatulan kita.” Naiinis kong sabi sabay palo sa
braso niya.“Joke lang. Hoy ikaw Marco, subukan mo kong iwan,
ipagkakalat ko sa campus na bading ka.”“As if naman hindi pa nila lahat
alam. Kulang na nga lang sumali ako ng beauty contest para may proof na
bading ako,” natatawa kong sabi.“Pag sumali ka dun, promise ako escort
mo kahit ano mangyari.”“Natouch naman daw ako dun. Ano malungkot ka pa
ba?”“Syempre naman. Pero ayoko ng magdwell dun. Dito tayo matulog,” sabi
ni Anthony sabay higa sa damuhan.“Baliw ka ba? Gusto mong mamatay tayo
sa kagat ng lamok?”“Syempre prepared ako. May dala akong kumot at
Off.”“Prepared ka nga. Eh hello may pasok ako bukas. Tsaka may tinatapos
akong paper kanina nang bigla mo kong pinapunta dito.”“Sa inyo na lang
kaya ako matulog? Wala naman akong pasok bukas eh. Buong araw lang ako
hihiga sa kama mo.”“Bahala ka.”
Sumakay na kami sa kotse ko para bumalik sa bahay. Nag drive-thru
muna kami sa Jollibee dahil hindi pa pala siya kumakain ng
dinner.Pagdating namin sa bahay ay pumasok na agad si Anthony sa loob.
Nadatnan niya doon si Mama na nanood ng TV. Hinalikan niya si Mama sa
pisngi at umupo sa tabi nito at nanood din ng TV. Ganyan na kaclose si
Anthony at si Mama. High school pa lang kasi madalas na siya dito sa
bahay. Parang anak na ang turing ni Mama kay Anthony.
“Mama, dito daw matutulog si Anthony,” sabi ko kay Mama matapos ko
siyang halikan sa pisngi.“Oh ok sige. Ayusin ko ba yung guest room?”“Ay
hindi na po Tita. Dun na lang ako sa room ni Marco matutulog,” sagot ni
Anthony.“Sige ikaw bahala.”
Umakyat na kami ni Athony sa kwarto ko. Umupo siya sa computer chair
ko at binuksan ang laptop ko. Dumiretso naman ako sa closet at kumuha ng
pamalit kong damit. Kinuhanan ko na din ng damit si Anthony at ibinato
ito sa kanya.Nagpalit na ko ng damit sa kwarto. Nagpalit na rin ng damit
si Anthony. Gwapong gwapo ako dito kay Anthony. Sobrang amo ng mukha
nya at ang pupungay ng mata. Medyo payat lang siya pero hindi namna
pangit tingnan. Kung hindi ko lang talaga ‘to kaibigan matagal ko na
‘tong pinatulan.
“Anthony may tanong ako sayo? Bakit parang sobrang komportable ka
magbihis sa harapan ko eh alam mo namang bading ako?”“Kasi kaibigan
kita. Alam kong wala kang gagawing masama. Tsaka alam ko namang hindi
rin ako bibigay sayo,” natatawang sabi ni Anthony.“Ang yabang mo. Bakit,
hindi ba ko gwapo?” naiinis kong tanong.“Gwapo din naman. Pero ‘di
kasing gwapo ko,” natatawa niyang sagot.“Ewan ko sayo. Umalis ka na nga
dyan sa computer chair ko, tatapusin ko na yung paper ko. Dun ka sa
kama.”Umupo ako sa upuan at binuksan ang file na kelangan ko
tapusin.Niyakap ako ni Anthony mula sa likod.“Uy nagtatampo si Marco ko.
Sorry na.”“Oo na. Dun ka na sa kama. Wag mo ko istorbohin ah. Kelangan
ko ‘to matapos ngayong gabi.”“Opo.”
Humiga sa kama si Anthony at pinatugtog ang MP3 player ko. Puro lang
mga kanta ni John Mayer ang nandun.“Adik ka talaga sa kanya ‘no?” tanong
ni Anthony.“Gusto ko lang talaga mga kanta niya.”“So manonood ka ng
concert niya sa October?”“Hindi, ang mahal ng ticket eh,” sagot ko.
Alas dos na ng madaling araw ko natapos ang ginagawa ko. Kanina pa
nakatulog si Anthony. Nagprint na ko ng paper ko tapos ay pinatay ang
laptop. Pinatay ko na rin ang ilaw at tumabi kay Anthony.Nakatagilid
kami pero sa parehong side kami nakaharap. Niyakap ako ni Anthony.“Good
night best friend.”“Kala ko tulog ka na?” tanong ko.“Nakatulog na nga ko
pero nagising lang.”“O sige. Good night na.”Paano ba naman ako hindi
magkakagusto dito eh sobrang sweet sa akin. Hindi sya naaalangang
yakapin o tumabi sa akin. Sobrang bait pa. Hay mahal ko na ata talaga
tong mokong na ‘to. Pero alam ko namang imposible.
Gumising ako ng 6 am para maghanda sa pagpasok. Kumain na ako ng
breakfast tapos ay naligo at nagbihis. Mga 7:15 ako umalis pero tulog pa
rin si Anthony. Hindi ko na siya ginising dahil alam ko namang
madadatnan ko siya pag-uwi ko.
Pagpasok ko ng classroom ay nadatnan kong andun si Sarah,
ex-girlfriend ni Anthony.“Marco nakita mo ba si Anthony?” tanong sa akin
ni Sarah.“Wala siyang pasok ngayon.”“Alam ko ngang walang pasok kaya
nga tinatanong ko kung nakita mo eh,” masungit niyang tugon.Hindi talaga
kami magkasundo nito. Mula pa ng maging sila ni Anthony, bihira ako
sumama sa kanila dahil hindi ko talaga gusto ugali niya. Maganda nga
siya at matalino pero ang pangit talaga niya umasta. “Hindi,” maikli
kong sagot.Tinext ko si Anthony tungkol dito.
Marco: Huy hinahanap ka ng ex mo.Anthony: Sino sa kanila?Marco: Edi
yung pinakabago.Anthony: Ano sabi mo?Marco: Sabi ko hindi kita
nakitaAnthony: Sige. Text ko na lang siya.Marco: Makikipagbalikan
ka?Anthony: Oo eh. Mahal ko pala talaga siya.Marco: Ewan ko sayo.
Pinuyat mo pa ko kagabi tapos ganyan lang din pala.Anthony: Sorry na.
Nga pala alis na ko maya maya dito sa inyo ah. Makipagkita ako
kaySarah.Marco: Ok.
Hindi naging maganda ang takbo ng araw ako dahil sa text na iyon ni
Anthony. Medyo nasaktan ako at nagselos. Pakiramdam ko kasi kapag kami
ang nag-away, hindi siya gagawa ng paraan para magkaayos kami.
Pag-uwi ko ng bahay ay hindi ko na nadatnan si Anthony tulad nga ng
sinabi niya. Binato ko ang gamit ko sa sahig at humiga sa kama. Kinuha
ko ang MP3 player ko at pinatugtog ito. Nagulat ako ng may isang kanta
roon ni John Mayer pero cover lang. Mukhang walang nagawa si Anthony
kanina sa bahay kaya nagrecord ng kanta. Natawa ako dahil wala siya sa
tono.
Nagtext ako sa kanya para asarin siya.
MARCO: Hoy Anthony, binaboy mo na naman MP3 player ko. Kuna anu-ano
pinaglalalagay mo. Tsaka nabastos si John Mayer sa ginawa mo.
Hindi sumagot si Anthony. Siguro ay magkasama sila ni Sarah kaya ayaw
niyang magpaistorbo. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala
ako.Nagising lang ako ng tinawag na ko ni Mama para maghapunan. Nang
tiningnan ko yung phone ko, wala pa ring text si Anthony. Medyo
nalungkot ako. Hindi ko alam. Dapat patuwa ako na makikipagbalikan siya
dahil mahala naman talaga niya si Sarah, pero di ko maiwasan malungkot
dahil may gusto nga ako sa kanya.
Habang kumakain ay may tinanong sa akin si Mama.
“Anak, kailan mo balak sabihin kay Anthony yang nararamdaman
mo?”Nagulat ako sa tanong ni Mama. Alam niyang noon pang high school ako
may gusto kay Anthony. “Never na mama. Ayokong masira pagkakaibigan
namin. Tsaka alam kong imposible namang ganun din ang nararamdaman niya.
Mawawala din tong nararamdaman ko.”“Ayoko lang naman anak na nakikita
kang nasasaktan.”“Hayaan niyo na Mama. Mawawala din ‘to.”
Kinabukasan, sa school ay nagkasalubong kami ni Anthony.
“Marco sorry hindi ako nakapagreply sa ‘yo kagabi. Kasama ko kasi si
Sarah nun.”“Ok lang. Kamusta na nga pala kayo?”“Ayun nagkita kami sa
isang restaurant. Sinubukan ko siyang kausapin pero may gusto siyang
gawin ko na hindi ko kayang gawin,” tugon niya.“Ano yon?”“Wala. I guess I
just have to move on. Alam mo, honestly, she does not deserve me. And
if she cannot accept every aspect of who I am, then she does not deserve
my love,” madamdamin niyang sagot.“Wow ang lalim Anthony, ah. Sana nga
makapag move on ka na talaga. Marami pa namang girls na nagkakandarapa
sa ‘yo eh,” sagot ko sa kanya.Hindi na muna ako maghahanap. Kelangan ko
muna maglet go kay Sarah. Syempre kahit ganun yun, mahal ko pa rin yun.
Teka, san ka punta? Kakain ako sa labas. Itetext pa lang sana kita”“Sa
library, may ireresearch lang. Sunod na lang ako sa’yo, saglit lang
naman ako eh.”“Samahan na lang muna kita. Wala din naman na akong
gagawin.”
Tinulungan ako ni Anthony magresearch tungkol sa Communication theory
subject ko. Nakaupo kami sa isang table ng lumapit ang isa kong
classmate.“Marco, may nahanap ako tungkol dun sa assignment natin. If
you want, ipaphotocopy mo na lang,” sabi niya.“Sige. Salamat. Siya nga
pala, Anne, best friend ko pala si Anthony. Anthony, classmate ko, si
Anne.”Nagshake hands sina Anne at Anthony. Nahalata kong medyo namula si
Anne. Mukhang crush niya ang best friend ko.Tumayo na kami ni Anthony
at pumunta sa photocopying area. Nang makuha na namin yung readings
namin ay inaya na ako ni Anthony kumain.“Anne, do you want to join us?
Kakain kami ni Marco diyan lang sa labas ng school,” paanyaya ni Anthony
kay Anne.“Uhm, sige next time na lang. May kailangan pa kasi akong
gawin eh. Thanks, though,” sagot ni Anne.“Oh okay. Sige nice meeting
you.”“Nice meeting you too.”
Lumabas na kami ni Anthony at dumiretso sa fishball stand. Favorite
snack kasi namin ni Anthony ang fishballs. Simple joys in life
kumbaga.“Anthony, libre ko na to total naman sinamahan mo ko sa library
tsaka alam kong broken hearted ka pa,” pang-aasar ko sa kanya.“Alam mo
hindi ako maaasar sayo dahil ililibre mo naman ako,” natatawa niyang
sagot.“Ano naman tingin mo kay Anne?” tanong ko kay Anthony.“Well, ok
lang. Mukhang smart. Pero she’s too simple for my type.”“Hindi ko naman
tinatanong kung type mo siya,” pang-aasar ko.“Just sayin’.”
Pag-uwi ko ng bahay ay nakatanggap ako ng text mula kay Anne.
ANNE: Marco, hindi ko alam na friend mo pala si Anthony. Naging
classmate ko siya before at super crush ko siya. Alam kong hindi niya
ako maalala. Wala lang, natuwa lang ako na may common friend kami.MARCO:
Napansin ko nga kanina na namula ko nung pinakilala kita sa kanya.
Well, marami talagang nagkakacrush dun. Pero playboy yun. Ingat ka lang.
HahaANNE: Alam ko namang hindi ako magugustuhan nun. Ikaw ba Marco,
wala ka bang gusto kay Anthony? Super close kayo eh. At mukhang hindi
siya nahihiyang kasama ka.MARCO: Ako magkakacrush dun? Alam ko lahat ng
baho nun. Magkaibigan na kasi kami since high school kaya sanay na
siyang kasama ako.Ganyan ang buhay namin ni Anthony. Normal kung
ikukumpara sa iba. Magkaiba kami ng course kaya wala kaming parehong
subjects. Nagkikita lang kami pag free time namin or kapag nagcucut ng
classes ang isa samin para tumambay or magsit in sa class ng isa.
Unti-unti na ring nakalimutan ni Anthony si Sarah. Mas nagfocus siya sa
pag-aaral niya. Ako naman ay ganun din dahil iniingatan ako ang grade
average ko para naman magkahonor ako sa graduation.
October na. Buwan na ng birthday ko. Si Anthony naman ay December ang
birthday. Hindi namin nakasanayan na magregalo sa isa’t isa. Madalas ay
nanlilibre lang kami kasama ng iba pa naming high school friends.Isang
araw habang kumakain kami nina Anthony at Anne sa may fishball stand sa
labas ng school ay may inabot sa akin si Anthony.“Uy Marco, ito nap ala
birthday gift ko sa ‘yo. Ang tagal kong pinag-ipunan yan ah,” inabot ni
Anthony sa akin ang isang envelope.“Wow, first time mo magregalo sa akin
ah. Mukhang mapipilitan akong bigyan ka din ng regalo sa birthday mo,”
sagot ko.“Aba dapat lang ano.”“Dali Marco buksan mo na,” pangungulit ni
Anne. Medyo madalas na din naming makasama si Anne dahil anging
magpartners kami sa final project namin.Binuksan ko na yung envelop at
nagulat ako sa laman. Dalawang VIP tickets sa concert ni John Mayer dito
sa Manila. “Oh my god Anthony, pano mo nabili ‘to? Ang mahal nito ah.”
Nakatitig lang ako sa ticket habang nagsasalita.“Siyempre humingi ako ng
extra allowance sa parents ko para makaipon. Tsaka binenta ko din yung
comics collection ko.”“Binenta mo yun? Eh diba bata ka pa lang
kinokolekta mo na yun?” gulat kong tanong. Adik si Anthony sa Spiderman
comics at talaga kinukulit pa niya ang Tita niya sa Amerika para lang
padalhan siya ng mga issues nito. Hindi ako makapaniwalang binenta niya
yun para lang mabilhan ako ng tickets.”“Sa pinsan ko lang naman din
binenta para sigurado akong maiingatan niya tiyaka at least pwede ko pa
ring hiramin every now and then. Alam ko kasing crush na crush mo si
John Mayer kaya ko naisipang bilhan ka since minsan lang naman siya
magconcert dito.”Di ko napigilan ang aking sarili at niyakap ko si
Anthony sa harap ng maraming tao. “Thank you so much Anthony.”“Sus, wala
yun. Best friend kita eh. Pero teka kapag nagtagal pa tayong magkayakap
dito baka isipin nila ikaw na bago kong girlfriend,” natatawa niyang
sabi. Si Anne naman ay nakatingin lang sa amin.Inalis ko ang
pagkakayakap ko sa kanya at pinalo siya sa braso. “Gago ka. Wala naman
yung malisya.”“Syempre sa ating dalawa wala yung malisya. Pero alam mo
naman yung ibang tao, mga tsismosa. Sa gwapo kong ‘to, malamang mabilis
kakalat ang balita,” natatawa niyang sabi.“Sabagay. Pero bakit
dalawa?”“Syempre kasama mo ako. Baka mabore ka kapag ikaw lang
mag-isa.”“Salamat talaga.”
Ilang araw din kaming hindi nagkakasama ni Anthony dahil finals week
na. Tinatapos na namin ni Anne ang project naman at marami din akong
ginagawang papers samantalang si Anthony naman ay busy sa exams
niya.Araw na ng concert. Sobrang excited ako dahil fan talaga ako ni
John Mayer, tapos kasama ko pa si Anthony manood.Buti na lang at weekend
ang concert at wala kaming pasok pareho. Seven p.m. ang start ng
concert pero napag-usapan namin dati ni Anthony na magkita na sa mall ng
mga 4 p.m. para gumala muna ng kaunti.
Nasa mall na ako kung saan gaganapin ang concert ng tawagan ako ni
Anthony.“Hey Marco.”“Uy nasan ka na? Andito na ko.”“I’m sorry pero hindi
kita masasamahan tonight. May bigla kasi akong kelangan gawin eh.”“Ano
yan? Matagal na nating naplano ‘to diba?”“Alam ko. Kaya nga sorry eh.
Hindi ko pa pwede sabihin sayo. Nasa akin naman yung ticket ko.
Susubukan ko talagang humabol. I’m so sorry Marco.”“Bahala ko. O sige,
good luck sa kung ano man yang gagawin mo. Bye.”“Bye, Marco.
Sorry.”Sobra akong nalungkot dahil hindi ko makakasama si Anthony sa
concert. Ang tagal kong hinintay ang araw na ‘to. Hay.
Pumila na ako ng maaga sa gate ng concert grounds. Ng makaupo na ako
ay hindi ko mapigilang malungkot dahil bakante ang katabi kong
upuan.Nagsimula na ang concert. Natuwa ako dahil sa wakas ay nakita ko
si John Mayer magperform. Pero syempre mas masaya sana kung kasama ko si
Anthony.Mga 10 p.m. natapos ang concert. Nagpunta ako ng parking area.
Ng malapit na ko sa kotse ko ay may nakita akong balloon na nakasabit sa
side mirrors ko. Hinanapo ko kung sino gumawa nito. Pagtalikod ko ay
nakita ko si Anthony na may hawak na cake.
“I’m sorry hindi ako nakapunta sa concert kanina. Sinubukan kong
pumasok pero hindi na ko pinayagan ng guard.”Hindi ako sumagot at
nakatitig lang sa kanya.“Sorry talaga. Huy sorry na. Ito oh, advanced
birthday cake. Blow mo na candle mo.”Hindi na rin ako nag-inarte.
Hinipan ko ang candle at ngumiti sa kanya.“Ano wish ng best friend ko?”
tanong ni Anthony“Na sana matuto yung bestfriend ko na tumupad sa
pangako niya.”“Sorry na talaga.”“Ano ba kasi ginawa mo kanina?”“Hindi ko
pa talaga pwede sabihin eh.”“Kelan ka pa naglihim sakin?”“Uhm, ngayon
lang. Kelangan lang kasi talaga.”“Sige bahala ko. Uuwi na pala
ako.”“Pwede makisabay? Nagtaxi lang kasi ako kanina. Medyo naubos nap
era ko dahil sa cake,” nakangiti niyang sabi.“O sige sakay.”Hinatid ko
siya sa kanila tapos ay umuwi na ko. Kahit hindi siya nakasama sa
concert ay natuwa pa rin ako dahil sa ginawa niya kanina sa parking
area.Kinabukasan ay birthday ko na. Naghanda si mama sa bahay. Pumunta
ang ilan naming kamag-anak. Hindi nakarating kahit sino man sa high
school friends namin. Medyo nagtampo nga ako sa kanila eh. Si Anthony
naman ay dumating kasama si Anne. Nagtaka nga ko dahil taga Manila si
Anne tapos taga-Cavite lang din naman si Anthony kagaya ko kaya hindi ko
alam kung bakit sila magkasabay.“Happy birthday Marco!” bati sa akin ni
Anne. May dala siyang cake.“Thank you. Bakit kayo magkasabay ni
Anthony?” tanong ko sa kanya.“Ah kasi sinundi ko siya sa kanila dahil
hindi niya alam papunta dito,” sagot no Anthony na parang kabado.As
usual, sobrang komportable si Anthony sa bahay. Tinutulungan niya si
Mama sa pag-aasikaso sa bisita namin.Masaya ang buong araw pero hindi ko
maiwasan mapansin na parang mas nagiging close sina Anne at Anthony.
Makalipas ang ilang araw ay mas naging malapit sina Anne at Anthony.
Minsan nga ay nakakasalubong ko sila sa school na magkasama. Medyo
nagdududa na ko na baka may hindi sila sinasabi sa akin. Minsan at
tinanong ko si Anthony tungkol dito pero ang lagi lang niyang sinasabi
ay nagpapatulong lang daw siya kay Anne o di kaya ay nagkita lang sila
somewhere kaya magkasama sila.
Isang araw, pag-uwi ko ng bahay ay may sinabi sa akin si Mama na
talaga namang ikinagulat at ikinalungkot ko.“Anak, tumawag sa akin ang
Daddy mo kanina. Ayos na ang papeles mo papuntang states. Dun ka na sa
kanya titira para makapag-aral ka sa Amerika.”“Huh? Bakit Mama? Ok naman
ako dito ah. Ok naman yung college ko. Ayoko pumunta dun.”“Matagal ka
ng gusto makasama ng daddy mo. Pumayag din ako dahil para din naman sa
kinabukasan mo.”“Iniwan niya tayo nung bata pa lang ako. Tapos ngayon
makikialam siya sa buhay ko?”“Anak wag kang ganyan. Magkaayos na kami ng
daddy mo. Makakabuti yun para sa future mo.”“Don’t I have a say on
this?”“I’m so sorry anak pero pareho naming gusto ‘to para sa ‘yo.”“Mama
naman eh.”Niyakap ako ni Mama dahil nakita niya akong umiiyak.“Kelan
ako aalis?” naiiyak kong tanong.“Sa December anak.”“Sa December agad?
Hindi ako dito magpaPasko? Ang bilis naman Mama. Hindi ba pwedeng Next
year na lang?”“Para kasi makahabol ka sa second term sa papasukan mong
college. Sasama ako sayo para magkakasama tayo magChristmas, pero uuwi
din ako dito.”“Magstay ka na lang din dun Mama.”“Hindi pwede anak. May
bago ng family Daddy mo dun tsaka walang mag-aasikaso sa business natin
dito.”“Hindi ba talaga pwedeng next year na lang? Or better yet, never
na lang.”“Anak, we only want what’s best for you. Tsaka bakit ba ayaw mo
dun? Bibisitahin naman kita minsan dun.”“Syempre iba pa rin dito. Tsaka
mamimiss ko mga friends ko.”“Mamimiss mo ba talaga sila lahat o si
Anthony lang?”“Mama naman eh.”
Nagtext ako kay Anthony tungkol dito. Habang nakahiga sa kama ay
tumawag siya.“Hello Anthony, bakit ka tumawag?” tanong ko.“Totoo ba yan o
niloloko mo lang ako?”“Totoo yun.”“Punta ako sa inyo ngayon.”“Seryoso
ka? May pasok tayo bukas ah.”“Oo. Dadalhin ko na uniform ko. Hintayin mo
ko diyan.”
Makalipas ang isang oras ay narinig kong may kausap si Mama sa sala kaya bumaba ako upang tingnan kung sino yun.
“Tita naman eh. Bakit niyo ilalayo si Marco sa akin.”“Para yun sa
future niya.”“Eh kung isama niyo kaya ako dun. Dun na din ako
mag-aaral.”“Gusto mo ba talaga yan?”“Mamimiss ko lang po kasi talaga si
Marco. As in big time.”“Dun lang naman siya mag-aaral. Malay mo dito pa
rin siya magtrabaho.”
Si Mama, kausap si Anthony. Medyo naiyak ako sa narinig ko. Pinahid
ko ang luha ko at bumaba.“Hoy Anthony, kinukulit mo na naman si
Mama.”Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin.“Tita, hindi ko ibibigay
sa inyo si Marco. Hindi ko siya pakakawalan.”Natawa si mama sa ginagawa
ni Anthony. Ako naman ay halo ang emosyon. Gusto kong umiyak pero
ayokong gumawa ng eksena.“Hoy Anthony nakakatawa ka. Umayos ka nga.
Mahiya ka kay Mama. Mamaya palayasin ka nan dito.”“Pag pinalayas niyo
ako dito Tita, isasama ko si Marco.”
Ng tapos nang mag-asaran, pumunta kami sa dining area para magsnack.
Nilabas ni Mama ang ginawa niyang cheesecake. Dito na ikinuwento ni Mama
kay Anthony kung ano nangyari kaya ako pupunta sa Amerika. Matapos ay
umakyat na kami ni Anthony sa kwarto ko.
“So totoo pala talaga yun? Akala ko pinagtitripan niyo lang ako ni
Tita.”“Ayoko din umalis pero mukhang wala naman akong magagawa eh.”“Wag
mo kong kakalimutan dun ah. Bawal ka magkaron ng best friend dun.”“Ay
ang selfish naman niyan,” natatawa kong sabi. “Halika matulog na tayo,
maaga pa pasok natin bukas.”Matapos namin maligo ay humiga na kami.
“Seryoso Marco, wag mo talaga akong makakalimutan,” mahinang sabi ni
Anthony.“Oo naman. Ikaw din, wag mo kong kakalimutan,” tugon
ko.“Promise, ikaw lang ang kaisa-isa kong gay best friend. Pwede akong
magkaron ng maraming gay friends, pero never ko sila magiging best
friend.”“So kelangan pinapasok mo talaga yung pagiging gay ko?”“Oo
naman. Alam mo namang never naging issue sa akin yan di ba?” masm ahina
niyang sabi. Halata kong malungkot siya.“Alam ko. Kaya nga
nagpapasalamat ako dahil sinuwerte ako sa best friend ko. Gwapo na,
mabait pa.” Nakita kong napangiti siya sa sinabi kong yun.“Since aalis
ka nap ala, sasabihin ko na sa ‘yo yung secret ko.”“It’s about time.
Tungkol ba saan yun?” tanong ko.“Nililigawan ko si Anne.”Medyo
napapansin ko na yun noon pa pero nagulat pa rin ako ng inamin niya sa
akin. Medyo may kurot akong naramdaman sa puso ko.“Kelan pa?”“Nung araw
ng concert ni John Mayer. Kaya hindi agad ako nakapunta, dahil magkasama
kami nun ni Anne.”“Bakit di nyo sinabi agad?”“Di ko din sigurado.
Siguro feeling namin magagalit ka.”“Bakit?”“Basta.”“Hindi ka pa ba niya
sinasagot?”“Hindi pa. Pero alam mo Marco, hindi ko alam na magkakagusto
ako sa kanya. Diba dati sabi ko sayo hindi ko siya type? Pero siguro
nadevelop ako sa kanya. Simple kasi siya at hindi mahirap
pakisamahan.”“Mahal mo na?”“Oo naman. Hindi naman ako manliligaw kung
alam kong hindi ko pa mahal. Galit ka?”Hindi agad ako nakasagot. Hindi
ako galit pero syempre nasaktan ako. “Bakit naman ako magagalit? Pareho
ko naman kayong kaibigan. Sana nga sagutin ak na niya para masaya. O
siya matulog na tayo. Good night.”“Good night best friend.”Pinipilit
kong matulog pero iniisip ko pa rin ang pag-alis ko at ang tungkol kina
Anthony at Anne. Di ko mapigilang umiyak.
Nang mga sumunod na araw ay inayos ko na ang papers ko sa school para
sa pagtransfer ko. Sina Anne at Anthony naman ay palagi na kong
sinasamahan. Sinusulit siguro nila yung mga remaining days ko sa school.
Pero madalas din na kami lang ni Anthony ang magkasama. Madalas din na
sa bahay na siya natutulog. Naintindihan naman ni Anne. Napansin ko din
na mas nagiging sweet sila sa isa’t isa. Nararamdaman ko ng malapit nang
maging sila. Masakit man, tinanggap ko na din. Siguro makakatulong ang
pag-alis ko para makalimutan ko an nararamdaman ko kay Anthony.
December na. Birthday na ni Anthony. Aalis na rin ako. Ang masakit pa
dun, hindi ko na aabutan ang birthday ni Anthony. Nakabook kasi ang
flight ko tatlong araw bago ang birthday niya. Sinubukan kong iparebook
ang flight ko pero wala ng flight na bukas pa kaya wala na akong
nagawa.“Ngayon ka na ba talaga aalis Marco.”“Oo. Para namang hindi mo
nakita yung ticket ko. Halos itago mo na nga para hindi ako makaalis
eh.”“Hindi ba pwedeng after na lang ng birthday ko?” malungkot na tanong
ni Anthony.“Hindi pwede eh. Sayang yung ticket tsaka wala nang mabook
na flight after ng birthday mo. Di bale, binigyan naman kita ng regalo
di ba?”“Hindi naman yung regalo yung habol ko eh.”“Alam ko,” tugon ko.
Niyakap ko na si Anthony.
Narinig ko ng tinatawag yung flight ko. Ito na talaga. Hindi ko alam
kung makakabalik pa ako ng Pilipinas. Maaaring ito na ang huling
pagkikita namin ni Anthony.Niyakap ko ulit si Anthony, “O pano, goodbye
na.”“Mag-ingat ka dun ah.”“Mag-ingat ka din dito. Alagaan mo si Anne.
Mag-aral ka mabuti dito.”“Oo. Hoy, pag ikaw nagkaboyfriend dun pakilala
mo sa akin sa chat tsaka dapat alam ko facebook page niya para
mabantayan ko.”“Asa. Hindi ako magkakaboyfriend dun. Imposible.” Naiiyak
na ko. At hindi ko nay un napigilan. Ng Makita yun ni Anthony, pinahid
niya ang luha ko.“Dapat masaya ka, makakakita ka na ng snow. Alam mo
namang ikaw lang ang best friend ko. Hindi magbabago yun.”“Alam ko.”
**********************
“Matagal ka pa ba diyan Marco?”“Saglit na lang ‘to. Minsan lang to
mangyayari kaya dapat gwapo ako.”“Ikaw pa ngayon nagpapahintay sakin.
Lagi ka namang gwapo.”“Patience, Anthony. Syempre dapat gwapo ako for
you.”
Nilapitan ako ni Anthony at niyakap. “Ok na nga. Tayo na, naghihintay na sila sa labas.”
“I now pronounce you man and wife. You may now kiss the bride.”
Makalipas ang limang taon, graduate na ko sa Amerika habang sina Ann
at Anthony ay nakagraduate na din. Pagkatapos ng graduation nila ay
nagpasya silang magpakasal dahil nabuntis si Anne. Ginusto din naman
nila pareho na magpakasal.Ako? Ito makalipas ang limang taon ay hindi pa
rin nagkakaron ng karelasyon. Makalipas ang limang taon, mahal ko pa
rin si Anthony. Kaya nga ng tinawagan niya ko at sinabihang kukunin
akong best man sa kasal nila, kahit masakit, ay pumayag ako at umuwi ng
Pilipinas.Nakita ko namang masaya na sila kaya wala na kong ibang nagawa
kundi ang maging masaya na lang din para sa kanila.
Habang nasa reception ay pinili ko munang mapag-isa sa garden na
katabi ng reception area.“Anong ginagawa mo dito? Nagdadrama ka?” tanong
ni Anthony.“Ah wala, nagandahan lang ako sal ugar. Congratulations. May
asawa ka na at magkaka-anak na.”“Oo nga eh. Sobrang saya ko, pero sana
mapanindigan kong buhayin ang pamilya ko.”“Kaya mo yan. Alam kong maloko
ka pero alam ko din namang seryoso ka pagdating sa ganyang
bagay.”Nilapitan ako ni Anthony at inakbayan. “Namiss kita
sobra.”“Namiss din kita.” Tumutulo na ang luha sa mata ko.Hinawakan ni
Anthony ang mga balikat ko at iniharap ako sa kanya. “Hindi ko man
masuklian ang pagmamahal mo, Marco, gusto ko malaman mo na minahal kita
bilang kaibigan ko. Isa ka sa pinakaimportanteng tao sa buhay ko.”“Alam
mo?”“Na ano? Na mahal mo ako? Oo. Noon pa. Hindi mo man sabihin,
nararamdaman ko naman at nakikita ko sa mga galaw mo.”“Bakit wala kang
sinabi tungkol dun?”“May dapat bang sabihin? Hindi ko naman madidiktahan
ang puso mo at hindi naman kita matuturuan sa kung ano dapat ang
maramdaman mo.”“Anthony, hanggang ngayon, mahal kita,” umiiyak kong
sabi.“Alam ko,” tugon niya sabay yakap. “Alam ko.”
Darating din siya. Alam kong darating din ang taong mamahalin ako
tulad ng pagmamahal ko sa kanya. Hindi man nasuklian ni Anthony ang
pagmamahal ko sa kanya, alam kong minahal niya ko sa abot ng makakaya
niya. Hindi man ako ang kasama niya habang buhay, alam kong may puwang
ako sa puso niya. At habang hindi ko pa nakikita ang lalaking para sa
akin, nandito lang ako, magmamahal sa kanya; bilang isang taong
malalapitan niya tuwing may problema siya; isang taong magpapasaya sa
kanya; isang taong magiging best friend niya.
VIDEOS
-
▼
2013
(64)
-
▼
September
(51)
- "AJ"
- Tristan
- Nalasing sa Roxas Blvd - Ardy
- shared by::Mattew Sallutan
- Story shared by: Mark
- Man Yakis
- Story by: Winson Unang Tsupa ni totoy
- STORY shared by: Rha
- STORY shared by: JAY
- Story shared by: Kiko
- Story shared by: Don of Oman
- SExperience shared by: Drei
- Story shared by: Dhamzkie
- Pagnanasa Kay Kuya Dennis
- Pila Balde (by : Anonymous)
- Ang Artista at ang Gravy by: braggart_21
- Ako at si Pareng Anton Taglibog Si Kumpare by: bar...
- YES SIR! (Kwento ni Jerome)
- KWENTO NI JOSHUA
- SI EDWARD (Kwento Ni Dominic)
- ROVING GUARD
- ADVENTURE SA AIRPORT
- PULIS PROBINSYA
- My Girlfriend's Father
- M2M- Classm8 ni Insan (a true story)
- ANG GWAPO KONG BAYAW
- Si Jomar At Ang Kapatid Ko by: closet king07
- Threesome with 2 Construction Workers by: lostboy
- KWENTO NI RYSON (ANG PINAKAMIMITHI)
- BUMIGAY SI YABANG
- SA DULO
- B.F.
- Sex story shared by: Jeric B.
- SI KUYA CHRIS by: Vin27
- SEXperience shared by: Leuxel
- Story shared by: Riepko M. K.
- SEXperience shared by: Calvin
- Message from: Gian
- Story shared by: JOhn
- STORY shared by: Franz
- QUICKY WITH A RESORT GUARD
- Paolo
- C.R Adventure
- Price
- “First Time sa textmate”
- James
- AJ of Jeddah
- CRAM
- Drew of Pasig
- Charles Chinito
- Ron of Manila
-
▼
September
(51)
SEX STORIES
- "AJ" (1)
- “First Time sa textmate” (1)
- ADVENTURE SA AIRPORT (1)
- AJ of Jeddah (1)
- Ako at si Pareng Anton Taglibog Si Kumpare by: barako 6969 (1)
- Ang Artista at ang Gravy by: braggart_21 (1)
- ANG GWAPO KONG BAYAW (1)
- APARTMENT (1)
- B.F. (1)
- BUMIGAY SI YABANG (1)
- C.R Adventure (1)
- Charles Chinito (1)
- CRAM (1)
- Drew of Pasig (1)
- James (1)
- KWENTO NI JOSHUA (1)
- KWENTO NI RYSON (ANG PINAKAMIMITHI) (1)
- M2M- Classm8 ni Insan (a true story) (1)
- Man Yakis (1)
- Message from: Gian (1)
- My Girlfriend's Father (1)
- Nalasing sa Roxas Blvd - Ardy (1)
- Pagnanasa Kay Kuya Dennis (1)
- Paolo (1)
- Pila Balde (by : Anonymous) (1)
- Price (1)
- PULIS PROBINSYA (1)
- QUICKY WITH A RESORT GUARD (1)
- Ron of Manila (1)
- ROVING GUARD (1)
- SA DULO (1)
- Sex story shared by: Jeric B. (1)
- SEXperience shared by: Calvin (1)
- SExperience shared by: Drei (1)
- SEXperience shared by: Leuxel (1)
- shared by::Mattew Sallutan (1)
- SI EDWARD (Kwento Ni Dominic) (1)
- Si Jomar At Ang Kapatid Ko by: closet king07 (1)
- SI KUYA CHRIS by: Vin27 (1)
- Story by: Winson Unang Tsupa ni totoy (1)
- Story shared by: Dhamzkie (1)
- Story shared by: Don of Oman (1)
- STORY shared by: Franz (1)
- STORY shared by: JAY (1)
- Story shared by: JOhn (1)
- Story shared by: Kiko (1)
- Story shared by: Mark (1)
- STORY shared by: Rha (1)
- Story shared by: Riepko M. K. (1)
- Taxi Driver (1)
- Threesome with 2 Construction Workers by: lostboy (1)
- Tristan (1)
- UNANG KARANASAN KAY PINSAN (1)
- YES SIR! (Kwento ni Jerome) (1)